Sumampa na sa 62 mula sa 33 ang COVID-19 patients na naka-admit sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Ito ang kinumpirma ni NKTI Executive Director, Dr. Rose Marie Liquete makaraang i-anunsyo ang pagsasara ng outpatient services ng naturang ospital, simula bukas.
Apat anya sa mga pasyente ang nasa Intensive Care Unit habang 34 ay pawang healthcare workers at kasalukuyang naka-quarantine.
Samantala, kapansin-pansin sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ang biglang pagtaas ng demand sa COVID-19 testing matapos ang holiday season.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng pamunuan ng cardinal santos sa kanilang mga pasyente at publiko ang maayos nilang serbisyo upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa kanilang mga medical facility.