Nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, nakapagtala ang probinsya ng 92% na one-week growth rate.
Tumaas din ang positivity rate ng lalawigan sa 10.9% nitong September 12, mula sa 6.9% noong September 10.
Gayundin ang reproduction number ng pangasinan na mula 1.10, na umakyat sa 1.40.
Sa kabila nito, sinabi ni David na ikinukunsiderang mababa pa rin ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng lalawigan na nasa 2.18 per 100,000 population.
Nananatili ring mababa ang healthcare utilization at Intensive Care Unit (ICU) occupancy ng probinsya, na nasa 30% at 17%.