Iniulat ng Pasay City Government na 15 lamang sa 201 na mga barangay nito ang may aktibong kaso ng COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng lungsod ay nagpakita na ang mga aktibong kaso ay bumaba sa 19.
Ang kasalukuyang positivity rate ng Pasay ay nasa 0.07%, kung saan 98% o 28,181 sa 28,782 kabuuang kumpirmadong kaso ang nakarekober na.
Ang death tally ay nanatili sa 584 mula noong Pebrero a-22.
Sa San Juan, mayroon lamang 21 aktibong kaso, na may 10 sa 21 na mga nayon ang walang naitalang positibo sa virus.
May tig-tatlong kaso ang Barangay Addition Hills, Salapan at Greenhills.
Noong Sabado, iniulat ng Department of Health (DOH) ang 1,223 bagong tinamaan ng COVID-19 at 2,400 ang nakarekober. —sa panulat ni Kim Gomez