Nananatiling mababa ang mga isinusugod na COVID-19 patient sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, sa kabila ng tumataas na kaso ng nasabing sakit, sa nakalipas na ilang linggo.
Tiniyak ni PGH spokesperson, Dr. Jonas Del Rosario na manageable ang COVID-19 cases sa kanilang ospital.
Gayunman, tumaas anya ang bilang ng non-COVID-19 patients, partikular ang mga tinatamaan ng dengue, na laganap ngayong tag-ulan.