Sumirit na sa 1,179,812 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,083 na bagong kumpirmadong kaso.
Ayon sa DOH, umakyat naman sa 1,109,226 ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 6,756 na recoveries.
Sa kasalukuyan, nasa 50,635 na ang mga aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 38 ang bilang ng mga nasawi kaya’t sumampa na sa 19,951 ang death toll sa buong kapuluan.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,083 ngayong Linggo, May 23.
Pumalo na sa kabuuang 1,179,812 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 50,635 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/XbkuYuaehv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 23, 2021