Unti-unti nang bumababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bumaba sa -15% mula sa 11% ang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo sa buong bansa.
Ani Vergeire, ibig sabihin nito, kahit dumadami ang kaso makikita pa rin ang patuloy na pagbaba bagama’t ito ay mabagal.
Ipinabatid din ni Vergeire ang na nagkakaroon na rin ng “downward trend” sa hospital admissions at bahagyang lumuluwag na rin ang mga paggamutan bagama’t hindi pa maituturing itong malaking pagbabago.
Batay sa datos ng DOH, sa Metro Manila ang ICU utilization ay umabot sa 70.36% nitong may 1 kumpara sa 84% nuong Abril 18.