Posibleng matulad ang Pilipinas sa dami ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos at Europa dahil sa pagbubukas ng sinehan.
Ito, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ay kailangang isipin ng pamahalaan na mas malaki ang tiyansang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa pagbubukas ng mga sinehan at iba pang negosyo sa bansa.
Paliwanag ni Zubiri, ang 50% kapasidad sa sinehan ay delikado, at maaaring maging dahilan ito ng paglaganap ng virus sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing.
Dagdag pa ni Zubiri, maging sa simbahan ay may “peace be with you” sa mga tao, subalit hindi namamalayan ay “COVID be with you na ito”.
Sinabi naman ni Senadora Grace Poe, kinakailangang pag-aralan ng mabuti ng pamahalaan ang ipatutupad na regulasyon sa mga establisyimentong bubuksan, tulad ng bagong filtration ng air conditioning para hindi recycled ang hangin ng mga tao rito.
Bagama’t ito ayy para sa pagbangon ng ekonomiya, para kay Poe at Zubiri, nararapat lamang na ipatupad ito sa mga lugar na may mababang kaso ng virus.