Nagbabala ang UP experts na posibleng lumampas na sa 100,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa kalagitnaan pa lamang ng Agosto.
Ayon kay UP Professor Guido David, sa ngayon ay nasa 2% na ang reproduction rate o ang bilis ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa mula sa dating 1.2% lamang.
Dahil dito, itinaas na anya nila sa 80,000 ang nakikita nilang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng July.
Kung hahayaan lang natin, padami ito ng padami, we could reach six figures by end of this month or next month, delayed yung pag-lift ng quarantine hindi naman tayo nag-relax nung GCQ pero yung ibang sectors natin ino-open natin slowly may mga buffets, may mga restaurants na open so, may mga religious gatherings,” ani David.
Ayon kay David, isa sa nakikita nilang dahilan ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay ang mobility o pagdami ng tao na nakakalabas ng bahay o komunidad.
Kung dati anya ay ang Cebu City na ang itinuturing na epicenter ng COVID-19 ngayon ay balik na uli sa National Capital Region (NCR).
Kailangan talagang bawasan yung leisure related movement, medyo bawasan siguro natin baka agahan natin yung curfew ulit or something. Wala kasing mag-change ng trend na yan, ang possible mag-change nun right now, for example balik tayo sa lockdown parang sa Cebu kasi yung surge ngayon nasa NCR hindi na nasa Cebu, yung Cebu medyo nagsa-stabilize na yung trend nila, NCR tumataas talaga”, ani David. — panayam mula sa Ratsada Balita.