Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umabot sa 1,733 ang new cases ng COVID-19, dahilan upang umakyat na sa 438,069 ang kabuuang kaso ng impeksyon sa bansa.
Sinabi pa ng DOH na nasa 133 ang new recoveries dahilan upang sumipa na sa 399,582 ang mga gumaling sa COVID-19.
Samantala, umakyat naman sa 8,526 ang death toll sa bansa na mayroong 17 new fatalities.
Nasa 6.8% o 29,961 naman ang kasalukuyang aktibong kaso.
Naitala ng Davao City ang pinakamataas na bilang ng new virus cases na mayroong 162, sinundan ng Quezon City na may 92, Benguet-80, Rizal – 70, at Laguna na mayroong 66 cases.