Muling pumalo sa higit 8,000 ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19.
Sa inalabas na datos ng Department of Health (DOH), naitala ang 8,773 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 693,048.
574 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 580,062 na ang bilang nito.
13,095 naman na ang bilang ng mga nasawi sa covid-19 matapos itong madagdagan ng 56.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 8,773 ngayong Huwebes, Marso 25.
Pumalo na sa kabuuang 693,048 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 99,891 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/2jCkBMWJwh
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 25, 2021