Nakapagtala ng karagdagang 258 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP health service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 15,895.
2,690 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos nadagdagan din ng 171 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 13,165.
Samanatala, nananatili namang nasa 40 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19.