Pumalo na sa 9,757 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang makapagtala ang PNP health service ng 42 bagong kaso kahapon kung saan NCRPO pa rin ang nanguna na may walong bagong kaso.
Sinundan ito ng Cagayan Valley Region na may pito, apat sa Davao Region, tig-tatlo sa National Administrative at Operations Support Units, Ilocos Region, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region.
Tig-dalawa naman ang naitalang bagong kaso ng virus sa Central Luzon, Central Visayas at Cordillera habang tig – isa ang naitala sa Bicol at Eastern Visayas Regions.
Mula sa kabuuang bilang ayon sa PNP health service, nasa 485 na lamang ang aktibong kaso matapos madagdagan ito ng 51 bagong gumaling sa sakit.
Dahilan upang umakyat na sa 9,244 ang kabuuang bilang ng recoveries habang nananatili sa 28 ang bilang ng mga nasawi dulot ng COVID-19.