Pumalo na sa mahigit 35,000 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP Health Service ay matapos madagdagan ito ng 150 bagong kaso sa nakalipas na magdamag.
Mula sa nasabing bilang, aabot sa mahigit 2,200 ang mga naitalang aktibong kaso sa hanay ng pulisya.
Gayunman, nadagdagan naman ng 93 ang mga gumaling sa sakit, dahilan para umakyat na sa mahigit 33,300 ang total recoveries.