Nakapagtala ng 41 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na magdamag .
Ito ang dahilan kaya’t sumampa na sa 6,768 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PNP kung saan, 617 rito ang aktibo.
Nanguna sa may pinakamaraming bagong kaso ang davao region na may pito, tig-anim naman sa Cordillera PNP gayundin sa Northern Mindanao .
Tig apat naman ang nagmula sa NCRPO, Central Visayas, tatlo sa Caraga Region habang tig dalawa naman sa national operation support unit, national headquarters, Ilocos Region, Calabarzon at Zamboanga Peninsula.
Habang tig-isa naman ang naitala sa Central Luzon gayundin sa Eastern at Western Visayas .
Samantala, wala namang naitalang bagong nasawing pulis dahil sa COVID-19 kaya’t nananatili sa 21 ang kabuuang bilang nito.