Nakapagtala ng 28 mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service, umabot na sa kabuuang 7,082 ang mga pulis na dinapuan ng nakamamatay na virus.
Sa naturang bilang, 549 ang mga active cases.
Umakyat na rin sa 6,511 ang bilang ng mga gumaling o tuluyang naka-rekober sa virus, makaraang madagdagan ito ng 50.
Sa kaparehong datos ng PNP Health Service, walang naitalang pulis na nasawi, kaya’t nanatiling 22 ang COVID-19 related deaths sa hanay ng kapulisan.