Nakapagtala ng karagdagang 140 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP health service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 18,669.
2,228 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos nadagdagan din ng 188 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 16,390.
Samanatala, nananatili pa ring nasa 51 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19.