Nakapagtala ng karagdagang 141 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP health service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 19,536.
2,065 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos nadagdagan din ng 128 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 17,418.
Samanatala, nasa 53 na ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng isa.