Inanunsyo ng Philippine National Police na 57 pang PNP personnel ang tinamaan ng COVID-19 sa kanilang hanay, dahilan upang umakyat na ito sa 10,431 infection cases.
Pero ayon sa PNP, sumirit naman 9,753 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ito ng 38 recoveries, habang nananatili naman sa 29 ang death toll.
Samantala, nasa 649 naman ang active cases sa loob ng ahensya.