Nakapagtala ng karagdagang 28 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP health service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 10,586.
481 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos nadagdagan din ng 35 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 10,075.
Samanatala, nananatili namang nasa 30 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19.
UPDATE: As of 6:00PM of February 11, 2021, the PNP Health Service recorded 35 new recoveries today bringing the total…
Posted by Philippine National Police on Thursday, 11 February 2021