Nakapagtala ng karagdagang 103 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police.
Sa inilabas na datos ng PNP health service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 28,216.
1,719 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos nadagdagan din ng 112 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 26,422.
Samanatala, nananatili pa ring nasa 75 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19.