Nakapagtala ng karagdagang 36 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na datos ng PNP health service, umakyat na ang bilang ng COVID-19 cases sa 9,277.
326 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Sa kaparehong datos nadagdagan din ng 29 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, dahilan para lumobo ang bilang nito sa kabuuang 8,923.
Samanatala, nananatili namang nasa 28 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng pnp dahil sa COVID-19.