Pumalo na sa kabuuang 3,021 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Ito ang inilabas na datos ng naturang lungsod.
Sa naturang bilang, nasa 2,942 COVID-19 patients na ang kumpirmado ng kagawaran ng kalusugan at natukoy na rin ang kinaroroonan ng mga ito.
Habang 2,908 naman dito ang na-validate na ng epidemiology and surveillance unit ng Quezon City.
Sa kaparehas na datos, nasa higit 1,000 naman ang bilang ng active cases, 1,683 ang gumaling na o tuluyan ng nakarekober sa virus, at 220 ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19.