Pumalo na sa higit 7,000 ang mga bilang ng nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Sa pinakahuling datos ng Health department ng lungsod, kabuuang 7,355 na ang mga dinadapuan ng nakamamatay na virus.
Tinataya namang 2,250 sa mga ito ang itinuturing na active case.
Ayon sa Department of Health, 7355 na ang bilang ng nagpositibong kaso ng #COVID19PH sa lungsod. 7280 dito ang may kumpletong address sa QC. Umabot naman sa 7254 ang kumpirmado ng ating QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU). pic.twitter.com/k1kqfxVdSW
— Quezon City Government (@QCGov) August 5, 2020
Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang kabuuang 4,695 ang bilang ng mga tuluyang nakarekober o gumaling na sa virus, habang 309 naman ang namatay dito.