Iniulat ng OCTA Research Group na inaasahang magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Batay sa key indicators na inilabas ng grupo, bumulusok ang 7-day average ng arawang kaso ng sakit sa lungsod sa 238 mula August 19 hanggang 25.
Bumaba rin ang COVID reproduction number ng QC sa 1.02 hanggang nitong August 22 mula sa 1.06 na naitala noong August 15.
Nakapagtala rin ang lungsod ng positivity rate na 13.5% kumpara sa 15.5% noong August 20.
Sa ngayon ay nananatili sa moderate risks ang lungsod.