Sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Singapore sa nakalipas na 10 buwan matapos mag positibo sa virus ang ilang katao partikular ang mga customer ng K-TV karaoke lounges.
Ayon sa Health Ministry ng Singapore sa 56 na bagong COVID-19 infections, 41 ay ini uugnay sa K-TV outbreak.
Iniimbestigahan na ng health ministry ang mga bagong infection mula sa vietnamese hostesses na madalas umano sa mga K-TV lounge kasabay ang alok na libreng COVID-19 testing sa sinumang nagkaruon ng exposure sa virus.
Ang unang kaso ay isang Vietnamese woman na humingi ng tulong medikal.
Sarado pa ang ktv lounges at clubs sa Singapore subalit may iilang establishment umano ang nago-operate bilang food at beverage outlets.