Nadagdagan pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa South Korea.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng 93 panibagong kaso nito.
Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, ito na ang ika-apat na sunod na araw kung saan mas mababa na sa 100 kaso ng virus ang kanilang naitatala sa isang araw.
Gayunaman, umabot naman na sa 8,413 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa South Korea at nasa 84 naman ang mga nasawi.
Samantala, nagbigay pag-asa naman ang pagbaba ng kaso ng virus sa SoKor sa ibang mga bansa sa Asya.
Sa kabila nito, nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga otoridad kaugnay naman sa mga napapaulat na kaso ng COVID-19 mula sa maliliit lamang na komunidad.