Sinabi ni OCTA Research Fellow Professor Dr. Guido David na posibleng bumaba pa sa isang libo sa susunod na linggo ang naitatalang karagdagang COVID-19 cases kada araw.
Sa interview ng DWIZ kay David, sinabi niya na patuloy na nagiging maganda ang COVID-19 daily cases sa Metro Manila maging sa iba pang lalawigan.
Ayon pa kay David, sa pagpasok ng buwan ng Pebrero, magsisimula ang “beginning of the end”o ang“end of pandemic” ng COVID-19 cases dahil sa mataas na vaccination rate sa bansa.
Dagdag pa ni David, na maari nading ilagay sa “moderate risk” ang kaso ng COVID-19 sa papalapit na chinese new year habang magiging “low risk” naman sa Valentine’s Day. —sa panulat ni Angelica Doctolero