Umakyat na sa 9.12 milyon ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Amerika.
Maliban dito, pumalo na rin sa 229,000 ang bilang ng mga nasawi habang papalapit ang halalan.
Pinangangambahan ang posibleng pagdami pa ng mga kaso ng coronavirus sa araw mismo ng eleksyon o pagkatapos nito dahil lalabas ang mga tao para bumoto.