Muling nadagdagan ng kabuuang 24 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Zamboanga City.
Ayon sa Zamboanga City Task Force COVID-19, ang naturang karagdagang mga kaso ng COVID-19 sa probinsya ay pawang mga bagong layang mga preso na kabilang sa ikatlong batch ng mga nabigyan ng release order.
Sa pahayag ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco, sa kabuuang 216 na mga preso na nakalaya, isinailalim din ang mga ito sa swab test para sa COVID-19, at lumabas nga na positibo sa virus ang 24 kanila habang 173 ang nagnegatibo sa virus.
Habang patuloy pang hinihintay ang resulta ng 19 na mga sumailalim sa test.