Posibleng muling ibaba sa low risk category ng COVID-19 classification ang limang lugar sa Metro Manila na unang idineklara na nasa ilalim ng moderate risk.
Ito’y kasunod ng pagbabago sa mga sukatan sa pagtukoy sa klasipikasyon ng kaso ng panganib ng isang lugar.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binago ng inter-agency task force o iatf ang mga matrix na gagamitin para sa alert level system habang tinanggal ang dalawang linggong growth rate.
Sinabi ni vergeire na ang pasig, san juan, quezon city, marikina at pateros ay bababang muli sa low risk category sa kabila ng kanilang pagtatala ng higit sa 200% growth rate nuong sabado.
Dagdag pa nito na ang isang lugar ay uuriin bilang moderate risk batay sa hospiral utilization nito na higit sa 50%, at average na daily attack rate
Samantala, nakasailalim naman sa alert level 1 ang Metro Manila mula Hulyo 1 hanggang 15.