Gumulong na ang clinical trials para sa medicinal plant na Lagundi bilang gamot sa mga pasyente ng COVID-19.
Ito ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ay matapos aprubahan ng ethics review board nila at ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials para dito kung saan nag qualify ang 37 pasyente.
Target aniya ng ahensya na gawing adjunct medicine ang Lagundi o dagdag na supplement para sa mild at asymptomatic cases upang hindi umabot sa severe at critical ang kanilang estado.
Magugunitang lumarga na rin noong Mayo ang hiwalay na trials ng virgin coconut oil para sa suspect at probable cases sa Laguna at nakatakdang simulan ang hiwalay pang trials para sa mga naka-admit na pasyente ng COVID-19 sa Philippine General Hospital.