Umakyat na sa 3,385 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) mula sa iba’t ibang bansa.
Sa nasabing bilang, 3,042 ang mula sa China kung saan nakapagtala ng 30 bagong nasawi sa nakalipas na magdamag.
Mayroon namang 343 ang bilang ng mga nasawi sa iba pang bansa at teritoryo.
Kabilang dito ang Italy – 148 kung saan 41 ang bagong nasawi; Iran – 108 kung saan 16 ang bagong nasawi; South Korea – 40 at lima rito ay bagong nasawi; USA – 12, France – pito, Diamond Princess at Japan – anim; Spain – tatlo.
Bukod pa ito sa Iraq na nakapagtala na ng tatlong patay; Hong Kong at Australia – dalawa at tig-isa naman sa Switzerland, United Kingdom, Thailand, Taiwan, San Marino at Pilipinas.
Samantala, mayroon nang 80,552 COVID-19 sa China.
Pumapangalawa naman sa pinakamaraming kaso ang South Korea na umakyat na sa 6,284 at ikatlo ang Italy na mayroong halos 4,000 kaso na.