Pumapalo na sa mahigit 3,000 ang death toll sa buong mundo dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Nasa 2,981 ang naitalang patay sa China matapos ang 38 panibagong nasawi sa nakalipas na magdamag.
221 naman ang bilang ng mga naawi sa iba pang mga bansa at teritoryong apektado ng nasabing sakit.
Kabilang dito ang: Italy-79; Iran-77; South Korea-32, tig-anim (6) sa Diamond Princess at Japan, France-apat (4); Amerika-siyam (9); Hong Kong-dalawa (2); at tig-isa (1) sa Thailand, Taiwan, Australia, San Marino at Pilipinas.
Umaabot na sa 93,154 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 at mahigit 50,000 rito ay nakarecover na.
Ang China pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 na nasa mahigit 80,000.