Umabot na sa kabuuang 17,525 ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang karagdagang 94 na mga indibidwal na nasawi sa virus.
9,214 naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus, dahilan para lumobo ang bilang nito sa 975,234.
Sa kaperehong datos, umakyat na rin ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa kabuuang 1,062,225 matapos na maitala ang mga bagong kaso nito na 7,255.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 7,255 ngayong Lunes, May 3.
Pumalo na sa kabuuang 1,062,225 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 69,466 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/yx6tx6LTRV
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 3, 2021