Mahigit sa 275,000 na ang binawian ng buhay sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, simula ng kumalat ito sa china sa mga huling buwan ng 2019.
Ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), mahigit 85% sa mga nasawing ito ang mula sa Europa at Estados Unidos.
Base sa ulat, pumalo na sa 275,018 ang pumanaw dahil sa virus mula sa 3,955,631 na mga kumpirmadong kaso.
Pinaka-apektadong kontinente umano ang Europa na mayroong 154,313 deaths at 1,699,566 na mga kumpirmadong kaso, habang ang Amerika naman ang bansang may pinakamaraming nasawi na umabot na sa 77,280, na sinundan ng Britain na may 31,241 deaths, Italy 30,201, Spain 26,478, at France 26,230 na mga nasawi.