Limampu’t dalawa (52) katao pa ang nasawi sa China dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ang lahat ng bagong biktima ay nagmula sa Hubei Province –kung saan matatagpuan ang Wuhan City na syang epicenter ng COVID-19.
406 na bagong kaso rin ng COVID-19 ang naidagdag kung san 401 rito ang galing rin sa Hubei Province.
Dahil dito, umabot na sa mahigit 2,700 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.