Nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng kanilang tauhan na siyang ika-124 na nasawi dulot ng COVID-19.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, Oktubre 17 pa nasawi ang 35 anyos na pulis mula sa Western Mindanao subalit nito lamang weekend iniulat at nakumpirma ng PNP Health Service.
Oktubre 3 nang makaranas ng mild symptoms ang pulis subalit hindi ito nagtungo sa ospital para magpatingin sa kabila ng payong kaniyang hepe hanggang sa magpositobo sa rapid antigen test noong Oktubre 14.
Sa kabuuan ay nasa 42,022 na ang kaso ng COVID-19 sa PNP matapos madagdagan ng 6 kung saan, umabot sa 300 ang aktibong kaso.
Subalit may 24 na bagong gumaling naman na mga pulis sa sakit dulot ng virus, dahilan upang sumampa naman na sa 41,598 ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya.—sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)