Tumungtong na sa 4,500,620 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 simula nang pumutok ang pandemya sa China noong Disyembre 2019.
Ayon sa WHO, nasa 10,000 na ang namamatay sa buong mundo kada araw, kumpara sa tinatayang 14,800 noong Enero.
Gayunman, mas marami ang namatay ngayong taon na aabot sa 2.6-M kumpara sa 1.9-M noong 2020.
Nananatili ang US sa may pinaka-mataas na average death na 1,290 per day sa nakalipas na isang linggo. —sa panulat ni Drew Nacino