Pumalo na sa anim (6) ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), sumakabilang-buhay na ang isang COVID-19 patient mula sa Cagayan De Oro City sa Misamis Oriental.
UPDATE: Bilang ng mga nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19, nadagdagan pa ng isa, ayon sa DOH; kabuaang COVID-19 death toll sa bansa, 6 na https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Ifo5f2mTFH
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 14, 2020
Tinukoy ang pasyente bilang ‘Patient 40′ na nasawi dakong alas-9 kagabi, March 3.
Dagdag pa ng kagawaran, dumanas ito ng acute respiratory distress syndrome bunsod ng severe pneumonia at acute kidney injury.
Magugunitang unang nakaranas ang naturang pasyente ng sintomas ng COVID-19 noong February 24 at na-confine sa Northern Mindanao Medical Center noong March 3.