Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na ngayon ay nasa 32 na.
Ito’y ayon sa Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) batay sa datos ng PNP health service.
Ayon kay PNP deputy chief for administration at ASCOTF Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar, pumanaw ang 54 anyos na lalaking pulis dulot ng atake sa puso.
Sinasabing matagal nang may iniindang sakit sa puso ang nasabing pulis na nakatalaga sa PNP intellegence group subalit pinalala pa ito matapos namang magpositibo sa COVID-19.
UPDATE: As of March 6, 2021, the PNP Health Service recorded 22 new recoveries today bringing the total number of…
Posted by Philippine National Police on Saturday, 6 March 2021