Nadagdagan pa ng isa ang nasawi sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) na ngayon ay pumalo na sa 61.
Batay sa ulat ng PNP health service, isang 39 taong gulang na lalaking police staff sergeant na nakatalaga sa rizal ang nasawi kahapon.
Na-diagnose ng chronic kidney disease ang nasabing pulis kaya’t isinailalim agad ito sa emergency dialysis subalit hindi na kinaya ng kaniyang katawan.
Samantala, 69 naman ang bago nilang kaso kaya’t pumalo na sa 21,924 ang kabuuang kaso kung saan, 1,407 ang aktibong kaso.
Nakapagtala naman sila ng 85 na mga bagong gumaling kaya’t umakyat na sa 20, 456 ang kabuuang bilang ng recoveries. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)