Umakyat pa sa mahigit 1,700 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa China.
Ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 100 katao na namatay dahil sa virus sa Hubei Province –ang epicenter ng outbreak– nitong linggo.
Batay na rin sa datos ng Hubei health commission, kanilang naitala ang mahigit 1,900 mga bagong kaso sa nabanggit na probinsiya sa China.
Ito na ang pinakamaraming naitalang mga bagong kaso sa China matapos ang tatlong araw na pagbaba ng bilang nito.
Samantala, sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO), pumalo na sa mahigit 700,000 ang bilang na mga nahawaan ng COVID-19 sa buong mundo.