Nakarating na sa Taguig City ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Clarence Santos, hepe ng Taguig Safe City Task Force, base sa resulta ng pagsusuri sa samples ng mga COVID patient ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Hindi naman binanggit ni Santos kung residente ng Taguig o bumisita lamang sa lungsod ang nabanggit na pasyente.
Ibinabala naman ni Mayor Lino Cayetano na maaaring maging dominanteng variant ang Delta kaya’t kailangang mag-triple ingat ang bawat isa.
Una nang inihayag ng DOH na 16 na karagdagang Delta variant ang naitala sa bansa kung saan dalawa sa mga ito ang taga-Metro Manila. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico