Pinaalalahanan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko na hindi dapat gawing biro ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong April Fool’s Day.
Ayon kay Sotto, hindi ito isang magandang biro dahil sa epektong nararanasan ngayon sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sinabi ng alkalde na ang sinuman na gagawing prank na siya ay positibo sa COVID-19 ay dapat na ipasok sa isolation facility sa loob ng 14-araw.
Ang April Fool’s Day ay ginugunita tuwing April 1 at itinuturing itong masayang araw dahil sa maraming ang gumagawa ng biro o ‘prank’ sa mga kaibigan at iba pang nabibiktima na madaling mapaniwala.