Pinaghahanda ng World Health Organization (WHO) ang buong mundo para sa posibleng pagiging pandemic ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa WHO, hindi pa maituturing sa ngayon na pandemic ang outbreak ng COVID-19, ngunit hindi umano ito malayong mangyari.
Ang pandemic anila ay isang infectious disease kung saan mabilis itong kumakalat o naisasalin mula sa isang tao patungo sa isa pang indibidwal sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sinabi ng WHO sa sitwasyon ngayon kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng sakit sa iba’t ibang bansa, posibleng hindi magtagal ay maabot nito ang kategorya bilang pandemic.