Patuloy ang paglilingkod bilang healthcare workers ang pinanghahawakan ng Aringay COVID-19 diagnostic team sa Aringay, La Union.
Ito’y dahil sa pagpunta ng COVID-19 diagnostic team sa lungsod upang magsagawa ng swab test sa close contacts ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Kailangan nilang magsuot ng full gear PPE sa tuwing magpupunta sa mga barangay.
Ayon kay Dr. Rolando Mallari, Focal Person of the Aringay COVID-19 task force, ngayong pandemya ay nahaharap sila sa stress at pagod dahil sa kanilang trabaho.
Bagama’t stress ang kanilang nararamdaman, kumukuha naman sila ng lakas mula sa bawat isa upang magpatuloy sa kanilang serbisyo.
Sa panahon aniya ngayon kailangan mo ng inspirasyon at pananampalataya upang malagpasan ang mga pagsubok.