Magbubukas na sa Biyernes, Hunyo 11 ang Manila COVID-19 field hospital sa Luneta park sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno na ang naturang field hospital ay pinagsumikapang agad na matapos ng dalawang buwan para makatulong sa matinding hamon ng COVID-19 pandemic.
Mababatid na ang naturang field hospital ay may 336 na bed capacity na saklaw ng P154-milyon pondo na inilaan ng lokal na pamahalaan dito.
Magugunitang noong nakaraang buwan ng mayo ng pasimulan ang konstruksyon sa naturang proyekto.
Sa huli, sinabi ni Moreno na kung kaya ng China at iba pang mga bansa na agarang magpagawa ng ospital ay kaya rin aniya ito ng pamahalaang lungsod.