Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang COVID-19 field hospital kasabay ng ika-450 taong anibersaryo ng araw ng Maynila.
Pinasalamatan naman ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang 362 construction workers na nagtayo ng nasabing establisyemento.
Nag-alay rin ang alkalde ng sandaling katahimikan para kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na yumao nitong Huwebes.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang Manila Field Hospital Project ay magsisilbing halimbawa sa iba pang mga siyudad sa bansa.
Ang nasabing pasilidad ay may 344-bed capacity at magiging operational simula ngayong araw. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico