Umabot sa 73 na mga barangay sa lungsod ng Maynila ang walang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng dalawang buwan.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ginawaran ng lokal na pamahalaan ng tig-P100,000 cash award ang bawat barangay, alinsunod sa incentive-based approach para mapigil ang posibleng pagkalat ng virus sa lungsod.
Mababatid na nasa 12 barangay ang walang naitalang bagong kaso ng virus sa district 1, siyam sa district 2, 20 sa district 3, siyam sa district 4, at iba pa.
kasunod nito, nagpasalamat si Moreno sa lahat ng mga opisyal ng iba’t ibang barangay at mga residente ng lungsod, dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa pagtugon ng pamahalaan kontra COVID-19.