Ayon sa Tuguegarao city health office, wala na kasing naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa siyudad.
Pero sa kabila nito, nilinaw ni Tuguegarao City Health Officer James Guzman na hinihikayat pa rin nila ang kanilang residente na sundin ang umiiral na minimum health protocols.
Nagpapatuloy rin ang walk-in vaccinations at booster shots sa kanilang lugar para mapigilan pa ang hawaan ng COVID-19.
Nabatid na pumalo na sa 18,750 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa Tuguegarao kung saan 606 ang nasawi at 18,144 ang gumaling.